newssupdates2018

Sa Dulo ng Takipsilim Pinakamahusay na Pelikula

Ulat ni Alice V Cubillan

Idinaos ng Kagawaran ng Filipino, Pamantasan ng Xavier - Ateneo de Cagayan ang kauna-unahang Gawad Parangal: Xavier Tanglaw, Pista ng Pelikula ‘19, sa temang "Sineliterasi sa Mulat na Lipunan." Ito ay isang patimpalak sa paggawa ng maikling pelikulang panlipunan na ipinalabas sa Munting Tanghalan noong ika-25 ng Marso.

Layunin ng parangal na ito ang hikayatin ang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng aktibong pakikilahok sa paggawa ng pelikula na nagpapakita ng mga usaping may kaugnayan sa mga nangyayari sa lipunan. Layunin din nitong palakasin ang kamalayan ng mga mag-aaral bilang indibidwal at imulat ang mga manonood sa mga usapin at ugnayang panlipunan na nagpapakita ng karanasan, identidad, kasarian, uri, lahi, etnisidad, paniniwala at maging pagpapakahulugan sa kasaysayan, kultura, teknolohiya at lipunan.

Mula sa siyam na kategorya, nakuha ng pelikulang "Sa Dulo ng Takipsilim" ang parangal Pinakamahusay na Pelikula. Bukod sa rito ay nakamit din ng nasabing pelikula ang Pinakamahusay sa Screenplay, Pinakamahusay sa Panteatrong Poster at Pinakamahusay na Aktres na si Kathe Christine Olavides. 

Samantalang nakuha naman ng pelikulang "Dean(th)s List" ang Unang Gantimpalang Pinakamahusay na Pelikula, nasungkit din nila ang Pinakamahusay na Katuwang na Aktor at Aktres nina Josef Al Obenza at Ma Vianney Loquias, Pinakamahusay sa Pag-eedit, Pinakamahusay sa Sound Scoring at Pinakamahusay sa Sinematograpiya.

Habang ang pelikulang "Kawalan" ang nakakuha ng parangal Pinakamahusay na Pelikula Ikalawang Gantimpala at Pinakamahusay na Aktor na si Cedrich Lapiña.

Tumanggap ang mga nagwagi ng sertipiko, tropeyo at cash prize bilang gantimpala. Kabilang sa mga hurado na kumilatis sa mga lahok ay sina: Jessica Mendoza, Kenneth Sabejon, at Ian Caballero. Pawang may karanasan sa paggawa ng mga pelikula.

Sa unang pagkakataon nagkaron ng timpalak sa pelikulang panlipunan sa pangunguna ni G Roderick Z Ocangas, bilang pinuno, kasama ang kagururan sa Kagawaran ng Filipino ay matagumpay na naidaos ang nasabing timpalak.

Bahagi ito ng kahingian sa asignatura na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal na panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas.∎

 

55875514 10211894508792846 3469997953538588672 n

54220552 2224257061171832 2660137331066929152 n

54730614 2125983737509041 1530658256177856512 n

57024012 430937384338372 4557595891791298560 n

57044188 876130469445658 7628447283083739136 n


Social Media