schoolscolleges2020 hed news

Ang Kagawaran ng Filipino ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham,  Kagawaran ng Filipino ng Senior High School, sa pakikipagtulungan ng Sentro para sa Kultura at mga Sining ng Xavier (XCCA) ay magdaraos ng Wika,  Arte at Kultura’17: Isang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Xavier University - Ateneo de Cagayan.

Ang tema sa taong ito ay “Filipino: Wikang Mapagbago” na naka-angkla sa adhikain ng pangulo ng Pilipinas tungo sa higit pang pagpapatatag at pagpapaunlad ng ating bansa.

Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika bilang pagsasakatuparan sa Pangpanguluhang Proklamasyon Blg 1041 s 1997. Sa pamamagitan ng mga gawaing nakasaad ngayong buwan ng Agosto, hinihikayat ang lahat sa aktibong partisipasyon para sa higit pang pagpapahalaga sa wika at kultura na lilinang sa ating diwang pagkamakabayan.  

Babakasin ng mga gawaing ito ang muling pagdalumat sa hindi matatawarang mga ambag ng Wikang Filipino sa paghubog ng kamalayan ng bawat Pilipino.  

Bilang bahagi ng nasabing pagdaraos, ang kagawaran ng Filipino ay naghanda ng mga gawain katulad ng pagtatalumpati,  pagsulat ng sanaysay, paglikha ng tula, paggawa ng poster, pag-awit ng mga Original Pinoy Music o OPM (Tagalog), inter-skul talumpating ekstemporeynyus, Lakan at Paraluman para sa SHS, at mga gawaing pangkultura na pagtatanghal.  

Inaanyayahan ang lahat sa mga itinampok na gawain.∎

Para sa mga karagdagang detalye o impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa mga teleponong bilang 9349 at 9350. Pwede ring bisitahin ang Kagawaran ng Filipino sa Silid Blg 202, ikalawang palapag ng gusaling Social Sciences.