LAKAN AT PARALUMAN. Ang mga kalahok ng Lakan at Paraluman '17 sa kanilang katutubong kasuotan. Ambag na larawan.

Ulat ni Roderick Z Ocangas

Matagumpay na naidaos ng Kagawaran ng Filipino sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng Pamantasan ng Xavier sa pakikipagtulungan ng XU - Senior High School at Xavier Sentro para sa Kultura at mga Sining. 

Ang nasabing pagdiriwang ay pinamagatang "Wika, Arte, at Kultura’17" sa temang “Filipino: Wikang Mapagbago.” Nakapaloob sa temang ito ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang kasangkapan sa atin para sa isang adhikaing pagbabago tungo sa kaunlaran.  

Magkaiba man ang ating lahi ay nagagawa pa rin nitong pag-isahin tayo. Salaminin ang ating pagka-Pilipino na taglay ang kamalayang nagpapahalaga sa paggamit ng wikang Filipino hindi lamang sa pang-araw-araw na pagkikipagtalastasan kundi sa iba pang mga larangan na siya ring nagiging susi sa inaasam-asam na pagbabago.  

Ang nasabing palatuntunan ay sinimulan sa isang lektyur at #XavierTanghal na kung saan nagbahagi ng mga kabatiran ang punongguro ng Senior High School na si Dr Rogelio L Gawahan hinggil sa tema ng selebrasyon. 

Sa unang araw na ito ay iba’t-ibang pagtatanghal ang nasaksihan katulad ng pagbasa ng mga tula, pagkanta ng mga OPM-Tagalog, pagsayaw ng mga OPM-Tagalog, at presentasyon ng mga kalahok ng Lakan at Paraluman 2017.   


BUWAN NG WIKA. Ang unang pares ng mga kalahok sa kanilang pagpapakilala. Ambag na larawan. 

Nagkaroon din ng patimplak sa pagtatalumpati na natamo nina:
Unang gantimpala- Kate Nathalie Cabanez
Ikalawang gantimpala- Clint Irving Clemen 
Ikatlong gantimpala naman ay si Juan Antonio Fernandez.  

Sa Boses ng Bituin-Patimpalak Pagkanta ng OPM,  ang mga nagwagi ay sina:

Mc Eudes Muring - Unang Gantimpala
Leisly Maestrado -  Ikalawang Gantimpala
Xelmare Chandrielle Dee - Ikatlong Gantimpala

Sa paligsahan sa pagsulat ng sanaysay:

Eloisa Joseph Sierra - Unang Gantimpala  
Lawrence Jerome Castro - Ikalawang Gantimpala 
Julie Anne Quiocson - Ikatlong Gantimpala     

Ang naging pampinid na palatuntunan ay ang Lakan at Paraluman’17 na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Senior High School at Kolehiyo. Itinampok sa patimpalak na ito ang mga pagpapakitang-gilas ng mga kahalok mula sa Senior High School sa kanilang katutubong kasuotan mula sa kinatawang pangkat etniko.

Nagpahusayan din sila sa pagdala ng pormal na kasuotang Filipiniana at Barong na talagang nagpatingkdad sa kanilang kakisigan at kagandahan.

Charmie Amilasan at Dennis Joshua Kilem - Paraluman at Lakan 2017  
Jeheile Dela Victoria at James Rey Sorrera - Unang Paraluman at Lakan
Donna Angelica Daaca at Julian Clement Tan - Ikalawang Paraluman at Lakan   


PATULANG PAGBASA. Piling mga mag-aaral sa kanilang patulang pagbasa. Ambag na larawan. 

Sa kabuuan, naging matagumpay ang nasabing pagdaraos ng Buwan ng Wika sa Pamantasang Xavier.

Muli ay ipinaalala nito sa atin ang kahalagahan ng pagsasapuso at pagsasa-isip natin wikang pambansa at gayundin sa pagtataguyod ng ating mismong sariling lahi at kultura.∎


MGA GURO SA SHS-FILIPINO. Ang mga guro sa XU-SHS kapiling ang punongguro na si Dr Rogelio Gawahan (sentro). Ambag na larawan. 

 

12121212