schoolscolleges2020 hed news


BUWAN NG WIKA. Paggawad para sa mga nagwagi sa Talumpating Ekstemporeynyus kapiling ang prinsipal ng Xavier Ateneo Senyor Hayskul na si Dr Rogelio L Gawahan (una mula sa kaliwa) at ang koordineytor ng Kagawaran ng Filipino sa Senyor Hayskul na si Gng Maricel E Acerdano (una mula sa kanan). Ambag na larawan.

LUNGSOD NG CAGAYAN DE ORO, Pilipinas —  Bilang pagtalima sa Proklamasyon Bilang 1041 na ipinagdiriwang ang buwan ng Agosto taon-taon bilang Buwan ng Wikang Pambansa, ang Kagawaran ng Filipino ng Xavier Ateneo Senyor Hayskul ay nagdaos ng iba’t ibang pagawain para sa selebrasyon na may temang: “Filipino: Wikang Mapagbago.” 

Ang temang ito ay nagpapahiwatig na ang ating wika ay napakamakapangyarihan, na kung gagamitin ito nang maayos ay magiging instrumento ito upang makamit ang tinatamasang pagbabago. 

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagkaroon ng iba’t ibang pagawain na sumubok sa kaalaman at kahusayan ng mga mag-aaral sa senyor hayskul sa pamamagitan ng pagsulat, pagsasalita, at iba pa na may kaugnayan sa tema ng taong ito gamit ang Wikang Filipino. 


LAKAN AT PARALUMAN 2017. Ang mga nahirang na Paraluman at Lakan 2017 na sina Charmie Amilasan at Dennis Joshua Kilem, kapiling ang prinsipal ng Xavier Ateneo Senyor Hayskul na si Dr Rogelio L Gawahan (una mula sa kaliwa) at puno ng inampalan na si Michael Villamor (una mula sa kanan). Ambag na larawan.

Ilan sa mga patimpalak na ito ay ang pagsulat ng sanaysay, pagsulat ng tula, talumpating ekstemporeynyus, paggawa ng poster, patimpalak sa pag-awit ng OPM (Boses ng Bituin), at nagkakaroon din ng Lakan at Paraluman 2017.

Lahat ng mga mag-aaral ng Xavier Ateneo Senyor Hayskul na may asignaturang Filipino ay hinikayat na lumahok sa mga nasabing patimpalak sa buong buwang pagdiriwang. 

Noong Agosto 2, 2017, idinaos ang pambungad na palatuntunan para sa buong buwang pagdiriwang. Nagkaroon din ng pagpapakitang-gilas sa pagsayaw at pag-awit ng mga musikang Pilipino ng mga piling mag-aaral.


SANAYSAY AT TULA. Ang mga kalahok sa Pagsulat ng Sanaysay at Tula sa pagdaraos ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Xavier Ateneo Senyor Hayskul. Ambag na larawan. 

Sa ika-23 naman ng Agosto, idinaos ang patimpalak sa pagsulat ng tula at sanaysay, paggawa ng poster, at talumpating ekstemporeynyus.

Bilang pagtatapos sa buong buwang pagdiriwang, nagkaroon ng patimpalak sa pag-awit ng mga musikang Pilipino (Boses ng Bituin 2017) at nagkaroon din ng Lakan at Paraluman 2017 noong Agosto 30.

Ang mga pagawaing ito ay isang magandang kasangkapan upang malinang ang kanilang mga talento at kasanayan sa pampublikong pagsasalita, pagsulat, at iba pa. Isang daan din ito upang lubos na mapahalagahan ng mga mag-aaral ang wikang Filipino at Kulturang Pilipino.∎

Narito ang mga nanalo sa mga patimpalak:

Lakan at Paraluman 2017
Lakan 2017 - Dennis Joshua Kilem (11- Tacquet)
Unang Gantimpala - James Rey Augustin Sorrera (11- Clavius)
Ikalawang Gantimpala - Julian Tan (12- Richard)

Paraluman 2017 - Charmie Amilasan (11- D’ Aguilon)
Unang Gantimpala - Jeheile Dela Victoria (11- Cullen)
Ikalawang Gantimpala - Donna Angelica Daaca (11- Demetrio)

Boses ng Bituin 2017
Unang Gantimpala - Ronn Gil Ochavillo (12- Aimerich)
Ikalawang Gantimpala - Patricia Otacan (12- Biwald)
Ikatlong Gantimpala - Xelmarc Charis Dei Sumaoy (11- Boym)

Pagsulat ng Sanaysay
Unang Gantimpala - Lynyrd Peras (12- Masterson)
Ikalawang Gantimpala - Joshel Mae Edrozo (12- Bouvet)
Ikatlong Gantimpala - Dymphie Amor Villahermosa (12- Bidermann)


POSTER. Isa sa mga kalahok sa Paggawa ng Poster. Ambag na larawan.  

Pagsulat ng Tula
Unang Gantimpala - Razil Gullem (12-Guldin)
Ikalawang Gantimpala - Jeanywen Aunzo (11- Demetrio)
Ikatlong Gantimpala - Jenecille Mendez (11- Cullen)

Paggawa ng Poster
Unang Gantimpala - Jose Elis Quir Navarro (11- Hayes)
Ikalawang Gantimpala - Czyenn Ghyle Igcalinos (11- Cullen)
Ikatlong Gantimpala - Sherwin Jr. Moncada (12- Masterson)

Talumpating Ekstemporeynyus
Unang Gantimpala - Angelica Joie Braga (11- Bernad)
Ikalawang Gantimpala - Galileo Jr. Rengel (11- Boym)
Ikatlong Gantimpala - Arvin Jay Gadian (11- Bernad)


POSTER. Isa sa mga kalahok sa Paggawa ng Poster. Ambag na larawan.