schoolscolleges2020 hed news

Ang Sentro Para sa Kultura at mga Sining ng Xavier (Xavier Center for Culture and the Arts) at Pambansang Komisyon Para sa Kultura at mga Sining (National Commission for Culture and the Arts) sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasan ng Xavier ay magdaraos ng Wika, Arte at Kultura: Pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa sa Xavier University. Ito’y buong buwan ng Agostong pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Pamantasan ng Xavier upang itaguyod ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng mga pagawaing sining at kultura na naglalayong luminang ng diwang patriotismo na magdudulot sa kahalagahan ng pagkabansa. Ang tema ng pagdiriwang ay “Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas.”
 
Isa sa mga pagawain ng pagdiriwang ay ang summit ng mga Guro sa Wikang Filipino na gaganapin ngayong Agosto 29, 2009, 8:00 n.u hanggang 12:00 n.t. sa Munting Tanghalan ng Pamantasan ng Xavier-Ateneo de Cagayan.
 
Ang summit ng mga Guro sa Wikang Filipino ay diskurso na naka-angkla sa tema sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at pag-usapan ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa pagsilang ng kulturang tekno at popular. Ang ating panauhing pandangal sa summit na ito ay si Prof Mary Ann Sandoval PhD, ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology. Siya ay nagtamo ng doktoradong digri sa Istruktura ng Lenggwahe sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
 
Para sa iba pang detalye at katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa XCCA sa Telepono blg. 858-3116 lokal 2059 o magtext/tumawag sa blg. 09272493169 at hanapin si G. Vicmar Paloma.